^

Probinsiya

Anak ni Yusoph ipinasa sa ibang grupo

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Ipinasa na sa ibang kidnapping group ang anak na lalaki ni Comelec Commissioner Elias Yusoph na binihag sa Lanao del Sur, ayon sa opisyal ng militar kahapon.

Ayon kay Lt. Gen. Ben Mohammad Dolorfino, ito ang dahilan kaya humihingi ng P25 milyong ransom ang panibagong grupong may hawak sa 24-anyos na si Nuraldin Yusoph.

Ang mga kidnaper ay nakipag-ugnayan na rin sa pamilya ng biktima at nag­pakita ng proof of life ng na­sabing bihag.

Nabatid na ang biktima ay inilipat ng taguan sa iba’t ibang lugar sa Marawi City at mga karatig pook kaya hirap ang rescue team na matukoy ang kina­roroonan ng bihag dahil sa kakula­ngan ng koope­rasyon ng mga sibilyan.

Binihag si Nuraldin ha­bang nagdarasal sa mos­que sa Marawi City noong Hunyo 24.

vuukle comment

AYON

BEN MOHAMMAD

BINIHAG

COMELEC COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

DOLORFINO

HUNYO

IPINASA

MARAWI CITY

NURALDIN YUSOPH

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with