Provincial warden sisibakin dahil sa droga
BULACAN , Philippines — Tiniyak ni Bulacan Governor Wilhelmino Alvarado na sisibakin niya ang warden ng provincial jail matapos madiskubre ang bentahan ng bawal na droga sa nabanggit na piitan sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Sinabi ng gobernador na hindi na niya kailangan ng rekomendasyon para sibakin sa puwesto si Adelio Asuncion dahil nasa ilalim ng tanggapan ng gobernador ang provincial jail warden.
Nag-ugat ang insidente matapos madiskubre sa loob ng provincial jail noong Biyernes na nagpapatuloy ang bentahan ng droga kung saan aabot sa 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.6 milyon ang nasamsam sa selda ni Cai Qun Zhen alyas James.
Si Zhen na nagmamantine ng shabu lab sa Meycauayan City ay naaresto
Bukod pa sa bawal na droga ay nakumpiska rin ang halagang P240,000 kay Delfin De Guzman na sinasabing lider ng NPA rebs na naaresto noong 2009 sa Bulacan.
Pinaniniwalaan ng pulisya na nagmula sa koleksyon ng revolutionary tax ng mga rebelde sa Bulacan ang nasabat na malaking halaga kay De Guzman.
Samantala, ang halagang P158,000 ay nakumpiska naman sa selda ng iba pang bilanggo, kasama ang DVD player, mga patalim at cell phone.
Si Asuncion ay itinalagang warden ng provincial jail noong 2005 matapos ang riot na ikinamatay ng isang preso kung saan ang mga bilanggo ay hinayaang uminom ng alak.
- Latest
- Trending