MANILA, Philippines - Dalawampung estudyante at guro ang isinugod sa ospital matapos na malason sa pagkaing inihanda sa foundation day ng unibersidad sa Bacolod City kamakalawa.
Sa report na nakara ting sa Camp Crame, iba’t ibang putahe ang dinala ng mga estudyate at maging ng mga taga faculty ng iba’t-ibang departamento ng St. La Salle Bacolod para sa pananghalian kaugnay ng foundation day sa unibersidad.
Gayon pa man, ilang oras matapos ang pananghalian ay nakaramdam na ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka ang mga estudyante, guro at maging ang mga kawani ng faculty.
Karamihan sa mga estudyante ay mula sa Arts and Sciences, Commerce at Business Administration ay isinugod sa Riverside Medical Center at Bacolod Doctors Hospital.
Sa inisyal na pagsusuri ng mga doktor, lumilitaw na ilang putahe ang kinain ng mga biktima ay sinasabing panis.
Samantala, pito-katao naman ang naratay din sa ospital matapos na malason sa kinaing isdang butete sa Barangay Lingganan, San Francisco, Surigao del Norte noong Huwebes ng umaga.
Nabatid na niluto ni Marcelino Bantilan ang butete na ipinakain nito sa kaniyang mga kamag-anak na sina Joynilo Palomares, Claudio Bantilan, 44; Joward Madrona, 24; Freddie Jun Pacot, 30; Ronald Amoncio, 22; at si Jimboy Roxas, 12.