^

Probinsiya

Bayaw tinodas dahil sa kapirasong lupa

- Ni Boy Cruz -

SAN MIGUEL, Bulacan, Philippines — Dahil sa pinag-aawa­yang kapirasong lupa ay naga­wang patayin ng isang lalaki ang kanyang sariling bayaw sa Brgy. Bulualto sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Anselmo Tuazon, 60, may-asa­wa, magsasaka at resi­dente ng Sitio Malinao, Brgy. Bulualto habang ti­nutugis na ang suspek na si Fernando Estanislao magsasaka at residente ng Brgy. Bal­war­te, Gapan City, Nueva Ecija na tu­makas matapos ang pa­mamaslang.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dakong alas 6:35 ng umaga habang nakiki­pag-usap ang bik­ tima sa iba pa niyang kap­wa magsa­saka sa bisini­dad ng kani­lang bahay sa lugar ay biglang dumating ang sus­pek.

Agad binunot ng suspect ang dala nitong cal .45 caliber pistol saka pinapu­tukan ng tatlong beses ang biktima na nagresulta sa pagka­matay nito habang lumilitaw naman na alitan sa lupa ang motibo ng krimen.

vuukle comment

ANSELMO TUAZON

AYON

BRGY

BULACAN

BULUALTO

FERNANDO ESTANISLAO

GAPAN CITY

NUEVA ECIJA

SHY

SITIO MALINAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with