Kidnappers ni Yusoph humingi ng P25-M ransom

MANILA, Philippines - Humihingi na ng P25 mil­yong ransom ang mga kidnappers ng anak ni Co­melec Commissioner Elias Yusoph na dinukot sa Ma­rawi City, Lanao del Sur mahigit isang linggo na ang nakalilipas.

Ang 24 anyos na bihag na si Nuraldin Yusoph ay hawak pa rin ng mga kidnappers na unang humi­ling ng pagbasura ng re­sulta ng eleksyon sa mga bayan ng Malabang, Pi­cong, Taraka at Masiu sa Lanao del Sur.

Batay sa report na na­ ka­­lap ng mga awtoridad, ipinara­ting ng mga kidnappers sa pamamagitan ng emisaryo ng mga ito na palalayain lamang ang bihag kung mapapasa­kamay nila ang tumatagin­ting na P25 M ransom.

Una nang kinumpirma ni Mindanao Development Authority Chairman Jesus Du­reza ang pag­ hiling ng ransom subalit tumanggi itong ihayag ang halaga.

Nanindigan din ito sa kanilang no ransom policy sa pagresolba sa insidente.

Tiniyak naman ni Dure­za ang “military and police pressure” laban sa mga kidnappers ng biktima.

Magugunita na ang ba­tang Yusoph ay dinukot ng mga armadong kalala­kihan ha­bang nagsisimba sa mosque sa Marawi City noong Hunyo 20. Joy Cantos with trainee Mary Ann Chua

Show comments