^

Probinsiya

P1.8-bilyong droga sinunog ng PDEA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May kabuuang P1.8 bilyong halaga ng illegal drugs ang sinunog ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ginawa sa Integrated Waste and Management, Inc., sa Brgy. Aguado, Trece Martires, Cavite city, kahapon.

Ayon kay PDEA director general Dionisio R. Santiago, ang pagsunog sa mga nasabing droga ay bilang pagsunod sa ipinapatupad na guidelines hingil sa kustodiya at disposisyon ng mga na­sam­sam na mga droga.

Giit ng kalihim, kaila­ngan anyang ang pag­durog sa droga ay gawin sa harap ng publiko, upang maipakita ang trans­parency at maalis ang pagdududa na nire-recyle lamang ang mga ito.

Nasaksihan ng pub­liko ang pagsusunog sa 225.658 na kilo ng na­kumpiskang assorted drugs na kinabibilangan ng shabu, marijuana, ephe­drine, ecstasy, cocaine, ketamine at expired na gamot, kasama ang 15.5 liters ng liquid methamphetamine.

Ang mga ito ay parte ng ebidensya dulot ng sunod-sunod na operation na ginawa ng ahen­sya kabilang ang itinurn-over sa kanila ng Philippine National Police at ng Presidential Anti-Smuggling Group.

Pinuri naman ni Santiago ang kakayahan ng Court of Appeals, at iba’t-ibang Regional Trial Courts branches sa Quezon City, Pasig, Manila, Makati at iba pang lugar sa Pampanga, Bulacan, Batangas, at Bataan, dahil sa mabilis na paghatol at disposition sa mga kaso ng droga.  

vuukle comment

COURT OF APPEALS

DIONISIO R

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INTEGRATED WASTE AND MANAGEMENT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

QUEZON CITY

REGIONAL TRIAL COURTS

SHY

TRECE MARTIRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with