Tiyuhin pinalakol ng pamangkin

CAMARINES NORTE , Philippines  – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 42-anyos na security guard ma­tapos pagpapalakulin ng kanyang pamangking lalaki kahapon ng mada­ling-araw sa Purok 3, Brgy. Mambalite sa bayan ng Daet, Camari­nes Norte.

Luwa ang utak nang datnan ng mga rumes­pondeng pulis at hindi na naisugd pa sa ospital si Moises Abilgos habang naaresto naman nina SPO2 Jonathan Pavia at PO2 Morales ang suspek na si Andro Tenorio, 28,

Base sa police report, lumilitaw na nakatulog ang biktima sa kanyang taha­nan dahil sa maghapong pagod mula sa Maynila kung saan sinamantala naman ng suspek na isa­gawa ang pamamaslang.

Sa interogasyon sa suspek, sinabi nito na ma­dalas silang mag-away ng biktima sa hindi nabatid na dahilan.

Napag-alamang naipa­sok na sa mental hospital ang suspek noong 1999 dahil sa paghithit ng hala­mang kalampunay.

May teorya ang pu­ lisya na sinumpong uli ang sus­pek kaya nagawa ang pa­ma­maslang.

Show comments