Dalaga ni-rape sa sementeryo

BULACAN , Philippines  — Napariwara ang kinabukasan ng isang 19-anyos na dalaga matapos halayin ay pinagnakawan pa ng isang miyembro ng Cafgu sa loob ng sementeryo kahapon ng umaga sa Sitio Hangga, Barangay San Sebastian sa bayan ng Hagonoy, Bulacan. Sa follow-up operation, naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Carlito Tumalad, 33, ng Sitio Hangga, Brgy. San Pedro. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Albert Ocon, lumilitaw na inabangan at kinaladkad ng suspek ang dalaga sa loob ng San Sebastian Cemetery. Nasaksihan naman ng dalawang binatilyo ang maitim na balak ng rapist kaya naipaabot sa kinauukulan ang insidente kung saan naaresto ang suspek.

Show comments