Konsehala nilikida

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang konsehala sa panibagong paghahasik ng karahasan ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bayan ng Burgos, Ilocos Sur, ayon sa ulat kahapon. Kinilala ni P/Senior Inspector Pedro Villalon, hepe ng Bur­gos PNP, napuruhan sa ulo si Councilor Perla Lug­yan, 57, ng Brgy. Mambog. Bandang alas-5 ng hapon noong Huwebes, nang lapitan at barilin ang biktima habang naglalakad sa ‘di-kalayuan sa kanilang tahanan. Isa sa mga anggulong sinisilip ng pulisya ay may kinalaman ito sa negosyong 5-6 ng konsehala.

Show comments