^

Probinsiya

8 tiklo sa shabu-tiangge raid

-

BATANGAS, Philippines — Walong ka­tao kabilang na ang isang retiradong US Navy ang nasakote ng pinagsa­nib na elemento ng Batan­gas PNP Intelligence, Special Wea­pon And Tactics (SWAT) at lokal na pulis sa isinaga­wang raid sa isang “shabu-tiangge” sa isang barangay ng Nasugbu, Batangas kamaka­lawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Superintendent Alberto Supapo, Batan­gas Police Director, ang mga suspek na uma­no’y nagtutu­lak ng droga na sina Cri­santo Martinez, 55 retired US Navy man; Anatalia Galano; Myrna Aqui­no; Vi­ven­cio Sobre­monte; Nica­nor Baira; Bri­gida De Castro; Jimmy Oco­ma at Miguela Tenorio Ocoma, pawang mga resi­dente ng Bgy. Lum­bangan. Nakuha din kay Marti­nez ang hindi lisensyadong Colt caliber 45 pistol na may tatlong bala, magazine at holster.

Sa bisa ng search warrants na ipinalabas ni Judge Eutiquio Quitain ng RTC, 4th Judicial Region Br. 5 ng Lemery, Batangas, nilusob ng mga otoridad ang na­banggit na barangay at nakumpiska ang humigit kumulang 17 plastic sachet ng shabu, isang water pipe, dalawang cell phone, marijuana at cash na P4, 750.00.

Bago ito sinabi ng pu­lisya na matagal na silang na­­kakatanggap ng impor­masyon hinggil sa mala­wakang bentahan ng droga sa lugar subalit kailangan pa rin nila ng konkretong ebi­­sdensiya. Kasalukuyang nakapiit na sa Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang mga suspek habang ini­hahanda ang mga kasong isasampa laban sa kanila.

ANATALIA GALANO

BATAN

BATANGAS

BATANGAS POLICE PROVINCIAL OFFICE

DE CASTRO

JIMMY OCO

JUDGE EUTIQUIO QUITAIN

JUDICIAL REGION BR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with