Bagong kasal pinabulagta

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kamatayan ang suma­lubong sa bagong kasal na lulan ng motorsiklo ma­karaang pagbabarilin ng mga armadong lalaki kahapon ng madaling-araw sa bahagi ng Barangay Cayabon sa bayan ng Milagros, Masbate. Nakilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Darryl Bacolod, 22; at Ailyn Ba­co­lod,19, kapwa estudyante, isang buwan pa lamang na naikasal at residente ng Barangay Narangasan. Ayon sa pulisya, ang mag-asawa na sinasabing papauwi mula sa dinaluhang okasyon sa Masbate City nang harangin at ratratin bandang alas-2 ng madaling-araw. 

Show comments