BANGUED, Abra, Philippines — Nasa balag ng alanganin ngayong ang isang alkalde at ang konsehal na kaalyado nito matapos na masamsaman ng mga armas sa patuloy na paglalansag sa mga Partisan Armed Groups (PAGs) sa lalawigang ito.
Nakuha sa raid sa bahay ni Boliney, Abra Mayor Ronald Balao-as at Councilor Limo Tulagan Boy-os ang dalawang baby armalite rifles, isang super 38 caliber pistol at isang cal. 22 rifle.
Sinabi ni Abra Police Director Sr. Supt. Joseph Adnol, ang operasyon ng Task Force Abra ay bunsod ng patuloy na paglilinis sa lalawigan sa presensya ng mga PAGs.
Nakuha rin sa operasyon ang sari-saring pares ng camouflage uniform ng militar bagaman wala ang dalawa ng isagawa ang raid. Iniimbestigahan pa ang kaso.