^

Probinsiya

SUV sumalpok sa poste: 7 patay, 6 pa sugatan

- Nina Joy Cantos at Cristina Timbang -

MANILA, Philippines - Pito katao ang agad na namatay habang anim pa ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang isang van na sinasakyan ng mga biktima sa isang poste ng kuryente sa highway sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng mada­ling-araw.

Kinilala sa pamama­gi­tan ng kanilang mga identification cards ang mga biktimang sina Dhan Rick Valerio,19; estudyante; McHarold Sarmiento; Ro­bin Joseph Regala 20; Ranilo Peña, Jr., 24; Ray­mond Cantimbuhan, 36; Raynard Villamor, 23, pa­wang mga residente ng Windsor Homes Subd. Brgy. Burol 3 ng nabanggit ding lungsod habang na­matay naman sa ospital si Edmund Laurente, 20, estud­yante, residente ng Brgy. San Francisco 2 ng lungsod ding ito.

Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Primitivo Tabujara, naganap ang sakuna dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa kaha­baan ng highway ng Go­ver­nors Drive, Brgy. Lang­kaan 1, Dasmariñas City.

Patuloy namang nilala­pa­tan ng lunas sa paga­mutan ang tatlo sa anim na nasugatang biktima na kinabibilangan nina Eduar­do Caasi, 22; Remante Carillo, 26; driver na si Adolfo Abcede.

Sa imbestigasyon ni Dasmariñas City Police Director P/Supt. Marcos Ba­dilla, lulan ang mga biktima ng isang kulay puting Toyota Prado na may plakang NWI-964 nang bigla na lamang itong sumalpok sa dalawang poste ng Meralco.

Sa lakas na pagkaka­bangga ay nagkayupi-yupi ang nasabing behikulo at bumaligtad na naging mitsa ng kamatayan at pagka­sugat ng mga sakay nito.

Nabatid pa sa opis­ yal na nasa implu­wen­sya ng alak ang ilan sa mga biktima.

ADOLFO ABCEDE

BRGY

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

CITY POLICE DIRECTOR P

DASMARI

DHAN RICK VALERIO

DIRECTOR SR. SUPT

EDMUND LAURENTE

JOSEPH REGALA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with