CAR trader kinasuhan ng HPG

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Sinampahan na ka­hapon ng kasong kri­minal ang isang car dealer kaug­nay ng pagpatay sa isang 31-anyos na mi­yembro ng Highway Patrol Group sa Ba­tangas.

Ayon kay Chief Inspector Joel de Mesa, Criminal Investigation and Detection Group IV-A Batangas field commander, kasong murder ang isinampa sa Ba­tangas Provincial Prosecutor Office laban sa suspek na si Ruel Cortiguerra, 39, residente ng Brgy. Tambo, Lipa City.

Sa interbyu ng PSN kay de Mesa, lumalabas sa isinaga­wang magka­kahi­walay na imbestigasyon ng Batangas Police at CIDG IVA probe team na ang bikti­mang si PO2 Roy­son Her­nandez ay binaril at napatay ni Con­tiguerra habang nasa loob ng sasak­yan ng sus­pek.

Show comments