^

Probinsiya

P.8-M kable nabawi

- Ni Randy Datu -

ZAMBALES, Philippines — Aabot sa P.8 milyong halaga ng kable ng telepono ang nabawi ng pulisya matapos maaresto ang isa sa tatlong miyembro ng sindikato kamakalawa ng umaga sa bayan ng San Felipe, Zambales. Sa ulat na na­­ka­rating kay P/Chief Supt. Arturo Cacdac Jr. ni P/Senior Supt Rafael Santiago, kinilala ang suspek na si Enofri Brinquiz Jr., 44, ng Barangay Minuyan, San Jose Del Mon­te City, Bulacan habang tugis naman ng pulisya dalawang kasabwat ni Brinquiz na sina Herminigildo Camo at isang alyas Alex. Ayon sa ulat, ang mga suspek na lulan ng truck (RHJ 277) ay hindi huminto sa inilatag na checkpoint sa Barangay Feria kaya hinabol ng police patrol car. Nasam­sam sa suspek ang apat na lagareng bakal, tatlong homemade shotgun at limang bala, plakang UEZ 921 at 500 metrong kable ng PLDT na sinasabing ninakaw sa bayan ng Castillejos, Zambales.

AABOT

ALEX

ARTURO CACDAC JR.

BARANGAY FERIA

CHIEF SUPT

ENOFRI BRINQUIZ JR.

HERMINIGILDO CAMO

SAN FELIPE

SAN JOSE DEL MON

SENIOR SUPT RAFAEL SANTIAGO

ZAMBALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with