Kidnaper ni Reith utas

MANILA, Philippines - Napaslang sa engkuwentro ang isa sa mga kidnaper ng Filipino-Swiss trader na si Charlie Reith sa isinaga­wang pursuit operations ng mga tauhan ng militar at pulisya sa liblib na bahagi ng Barangay San Ramon, Zam­boanga City noong Miyerkules ng gabi. Kinilala ang napatay na kidnaper na si Ibno Kais habang nakatakas naman ang dalawa nitong kasamahan. Sa report ng Task Force Charlie na pinamumunuan ni P/Senior Supt. Frank Cristobal, bandang alas- 6:30 ng gabi nang masabat ang tatlong kidnaper habang papatakas sa dalam­pasigan ng Barangay San Ramon. Nabatid na hinihintay ng tatlo ang sasakyang bangka sa pagtakas nang mamataan ng mga awtoridad kung saan sumiklab ang bakbakan. Si Reith ay nailigtas kahapon ng madaling-araw nang matiyempuhan ng mga awtoridad na tang­kang inililipat ng kuta matapos dukutin noong Abril 4 sa Brgy. Patalon.

Show comments