Abugado nilikida

CAVITE, Philippines — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang abugado habang nasa kritikal naman kalagayan ang kanyang sekretarya sa naganap na panibagong karahasan sa Barangay Niog, Bacoor, Cavite kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa likurang bahagi ng tenga si Atty. Ricardo De Leon Jr., 38, may-ari ng De Leon and De Leon law Firm na nasa Room H Heritage Building habang kritikal naman ang sekretarya nitong si Baby Girl Farrido. Base sa police report, tinyempuhan ang dalawa na nasa loob ng law office at isinagawa ng dalawang ‘di-kilalang lalaki ang krimen.

Show comments