Trader pumalag sa holdap dinedo

BATAAN, Philippines — Napaslang ang isang 48-anyos na ne­gosyanteng babae mata­pos barilin ng isa sa tatlong lala­king holdaper sa harapan ng palengke sa Barangay Santo Cristo sa bayan ng Hermosa, Bataan kamaka­lawa ng ha­pon.

Tinamaan sa ulo si Maria Thereza Naza-Lapuz ng Ba­rangay San Perdo. Sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, pa­uwi na si Lapuz mula sa kan­yang tin­dahan nang harangin ng tat­long armadong lalaki na sinasa­bing nagdeklara ng holdap.

Gayon pa man, pu­malag ang biktima at tumang­ging ibigay ang bag na nagla­laman ng malaking halaga ka­ya nagalit ang isa sa hol­daper at pinu­tukan siya sa ulo.

Show comments