Kinidnap na Fil-Swiss nailigtas
MANILA, Philippines - Nailigtas ng mga tau han ng pulisya at militar ang dinukot na negosyanteng Fil-Swiss sa isinagawang rescue operation sa dalampasigan ng Barangay Labuan, Zamboanga City kahapon ng madaling-araw.
Kinumpirma ni Rear Admiral Alexander Pama, commander ng Task Force Trillium ang nailigtas na 72-anyos na si Charlie Reith kung saan isinailalim sa medical checkup sa Camp Navarro Hospital.
Bandang alas-3 ng madaling-araw nang masagip ng grupo nina P/Senior Supt. Frank Cristobal at Pama ng Task Force Trillium ang biktima na sinasabing bumagsak ang kalusugan sa pagkakabihag at sumailalim din sa debriefing ng militar.
Una nang tinukoy ni Army’s 1st Infantry Division Chief Major Gen. Romeo Luthestica na ang grupo nina Abu Sayyaf leader Khair Mundos at Moro Islamic Liberation Front rouge elements sub-leader Malista Malaca ang nasa likod ng insidente noong Abril 4 sa Zamboanga City.
- Latest
- Trending