Patayan sa pinag-awayang lupa

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Away-lupa ang pinag-uga­tan kaya napaslang ang isang kawani ng muni­sipyo makaraang saksakin ng kanyang kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Caloocan sa bayan ng Matnog, Sorsogon.

Idineklarang patay sa Matnog District Hospital si Ruel Lastrilla 36, utulity worker ng lokal na pamahalaan ng Matnog habang naaresto naman ang suspek na si Jonathan Encinares, 45.

Na­batid na alitan ng lupa ang motibo ng krimen kung saan nakatirik ang bahay ng suspek sa lupang pag-aari ng biktima. Sinasabing pinaalis na ang suspek at nang tumangging umalis ay sinugod ito ng biktima na nauwi sa patayan.

Show comments