Jailbreak: 4 preso pumuga

CAVITE , Philippines  — Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang mga guwardiya ng detention cell makaraang makapuga ang apat na preso kahapon ng madaling-araw sa bayan ng General Trias, Cavite.

Kabilang sa mga preso na tugis ng mga awtoridad ay sina Randy Mercadero, Cristina Capulong, Michael Valdez at Jessie Labotap na pawang may nakabinbing kasong kriminal.

Tinyempuhang makalingat ang ilang pulis na nagbabantay sa kulungan kaya nakapuga ang apat matapos wasakin ang padlock ng kulungan. Nadiskubre ang jailbreak matapos na mag-head count ang mga guwardiya.

Show comments