Kumander ng Army tinodas

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang tinyente ng Army habang sugatan na­man ang babaeng ka­sama nito sa naganap na pani­bagong karahasan sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat, ayon sa ulat kahapon.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Lt. San­ tiago Muya, 28, Commandant ng Army’s 46th Infantry Battalion.

Samantala, ginagamot naman sa Tamondong Hospital sa Esperanza, Sultan Kudarat si Mary Jane Ra­muar, 23, nagtamo ng tama ng bala sa kali­wang kamay at kaliwang hita.

Naganap ang pana­nam­bang sa kahabaan ng highway sa Barangay Impao, bandang alas-11:51 ng umaga.

Lumilitaw na magka­angkas sa pulang motor­siklo sina Muya at Mary Jane nang dikitan at rat­ratin ng motorcycle-riding assassin na nakasuot ng kulay itim na t-shirts at shorts. Pinanini­walaang na­man mga rebeldeng New Peo­ple’s Army ang nasa likod ng pama­mas­lang.

Show comments