Van sumalpok sa akasya: 5 dedo

MANILA, Philippines - Lima-katao ang iniulat na nasawi habang 8 iba pa ang ma­lubhang nasugatan makaraang bumangga sa puno ng akasya ang sinasakyan van kahapon ng umaga sa Mati City, Davao Oriental.

Ayon kay P/Supt. Querubin Manalang, kabilang sa mga namatay ay sina Patrick Danoy, Alfonso Ramos, Shiela Mae Abanio, Rolando Rimando at isang tinukoy sa pangalang Shiela. Nasa Davao Oriental Provincial Hospital ang mga su­ga­tang sina Cherry Larobis, Jerson Larobis, Suzette Pa­ngulong, Gedion Carillo, Charina Tecodo, Israel Piao, Vincent Sael at si Francisco Abaniong. Karamihan sa mga biktima ay miyembro ng local singing band na nagmula sa kanilang performance sa bayan ng Baganga mula sa Caraga, Davao Oriental.

Sinasabing naganap ang trahedya sa kahabaan ng highway sa Sitio Tamia, sa Brgy. Don Martin Marundan kung saan nawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Patrick matapos sumabog ang gulong ng van (LWT 167).

Show comments