Driver sinemento sa drum
MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang drayber ng habal-habal matapos paslangin at sinemento sa drum saka itinapon sa bangin sa Barangay Baluyan, sa bayan ng Malalag, Davao del Sur.
Bandang alas-10 ng umaga kamakalawa nang matagpuan ang bangkay ni Sumar Albulwahab na sinasabing nagsisimulang maagnas.
Nabatid na ang biktima ay sinasabing dinakip ng mga armadong lalaki na nagpakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa bayan ng Maasim, Sarangani ilang araw bago nadiskubre
Base sa resulta ng medico legal examination, ang likurang bahagi ng ulo ng biktima ay may tama ng matigas na bagay at wala naman itong iba pang sugat sa katawan.
Naniniwala si P/Chief Inspector John Meryll Calinga, pinaslang ang biktima sa ibang lugar saka itinapon sa Malalag upang lansihin ang mga imbestigador.
- Latest
- Trending