^

Probinsiya

Clan war: 5,000 katao nagsilikas

- Nina Joy Cantos at Chin Hawtay -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 5,000-katao ang iniulat na nag­silikas sa mga bayan ng Sultan sa Barongis at Rad­ja Buayan sa takot na ma­ipit sa clan war sa pagitan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa bahagi ng Barangay La­gitan sa bayan ng Datu Odin Sinsuat sa hang­ganan ng Maguin­danao at Sultan Kudarat.

Sa ulat ni Army’s 6th Infantry Division Spokesman Lt. Col. Benjie Hao, su­miklab ang giyera sa pa­gitan ng grupo nina Commander Randy Karon, lider ng MNLF sa Lebak, Sultan Kudarat at Kumander Jing Calutyag, pinuno naman ng MILF’s 104th Base Command sa Datu Blah Sin­suat, Maguindanao.

Nabatid na nasa 500 pamilya mula sa bayan ng Sultan sa Barongis at 548 namang pamilya mula sa 5,000 residente ang nag­silikas sa takot na maipit sa giyera.

 “Nandun na yung mga evacuees sa gilid ng highway palayo sa conflict areas, in fact sine-secure natin ‘yung mga tao dun,” dagdag pa ni Hao.

Ayon kay P/Senor Supt. Alex Lineses, Maguin­danao PNP director, ipina­kalat na ang mga sundalo at pulisya upang siguruhin ang kaligtasan ng mga nagsilikas na sibilyan kung saan hindi naman basta na lamang maaring manghi­ma­sok sa gulo ng magkala­bang grupo dahil sa meka­nismo ng ceasefire kaug­nay ng isinusulong na peace talks ng pama­halaan laban sa MILF rebs.

Bukod sa clan war ay nabahiran na rin ng political war ang banggaan bu­nga ng pagkatalo ng mga sinupor­tahan ng mga kan­di­dato sa nakalipas na halalan.

Samantala, nasa lugar rin ang International Monitoring Team upang mag­sagawa ng negosasyon sa magkabilang panig.

ALEX LINESES

BARANGAY LA

BARONGIS

BASE COMMAND

BENJIE HAO

COMMANDER RANDY KARON

DATU BLAH SIN

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with