3 suspek sa carnapping dakma

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Rehas na bakal ang bi­nagsakan ng tatlong ka­lalakihan na sinasabing sangkot sa serye ng ka­watan ng motorsiklo sa mga lalawigan ng Region 12 makaraang maaresto ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bayan ng President Roxas, North Cotabato kahapon ng ma­daing-araw.

Kinilala ni P/Chief Insp. Benjamin Rioflorido, hepe ng President Roxas PNP, ang mga suspek na sina No­rodin Muhammad, 30; Maguid Kamama, 31; at Nash Lampak, 20; pawang nakatira sa bayan ng General Salipada K. Pendatun, Maguindanao. Narekober sa mga suspek ang motor­siklo (MC 2244) na pag-aari ni Joni Gumapas ng Pobla­cion, Arakan, isang granada at baril.

Show comments