3 'tulak' arestado sa droga
BULACAN, Philippines — Tatlong kalalakihan na sinasabing nagpakalat ng bawal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan kahapon.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga sus pek na sina Zander Ace Poras ng Brgy. Bancal, Meycauayan City, at anak ni SPO4 Arthur Poras ng Isabela PNP; Benjamin Teneripe ng Brgy. San Martin 4, San Jose Del Monte City, at Nicanor “Niknik” Salvador ng Brgy. San Juan, Balagtas. Si Poras ay naaresto sa bisinidad ng Barangay Lolomboy, Bocaue, Bulacan habang si Teneripe ay nadakip sa labas ng kanyang bahay sa Brgy. San Martin 4, San Jose Del Monte City.
Samantala, si Salvador ay dinakma sa Sitio Bigaang Matanda.
- Latest
- Trending