News team ng ABS-CBN hinaras ng Talisay mayor

BATANGAS, Philippines — Pinag­mumura at itinaboy ng mayor ng Talisay ang news team ng ABS-CBN habang nagkokober ng mga kaganapan kaugnay sa pag-aalburuto ng bul­kang Taal kahapon ng umaga.

Ayon kay Joan Pano­pio, reporter ng TV-Patrol South­ern Tagalog itinaboy anya sila ni Mayor Flo­rencio Manimtim habang kumukuha ng mga detal­ye sa preparasyong isina­sa­gawa ng Municipal Disaster Coordinating Coun­cil (MDCC) sa bayan ng Ta­lisay sa Batangas.

Nabatid na habang nag-aantay sa pag-uum­pisa ng pagpupulong ng MDCC, biglang dumating ang galit na si Mayor Ma­nimtim at pasigaw na mi­nu­ra ang cameraman ng ABS-CBN na si Jay Echano.

“Putang-ina n’yo bina­balusabas n’yo ako! Tang­galin mo ang camera mo kung hindi ihahampas ko sayo yan!” Ito ang pasigaw ni Mayor Manimtim kay Echano na ikinagulat na­man ng mga mama­hayag.

Matapos murahin ang cameraman hinarap na­man ni Manimtim si Pano­pio at sinabihang umalis na sila sa lugar dahil “hindi sila welcome” doon sabay pa­dabog na isinara ang pin­tuan at bintana.

Nasaksihan naman ng mga representante ng Philippine Coast Guard, pulis­ya at ilang opisyal ng MDCC ang ginawang kara­hasan ni Mayor Manimtim sa news team ng naturang tele­bisyon.

Sa pahayag naman ni dating Talisay administrator at councilor-elect Ed­die Panghulan, inamin na­man anya sa kanya ng alkalde ang nagawang marahas na pakikiharap sa ABS-CBN dahil na rin sa sama ng loob nito sa nagawang ba­lita noon ng network kaug­nay sa pla­nong pagtatayo ng Spa sa may bunganga ng Taal Volcano ng isang Korean company.

Mariin namang kinon­dena ni Renz Belda, Ba­tan­gas chairman ng National Union of Journalist of the Philippines (NUJP) at vice president for print ng Ba­tangas News Writers Association (BNA) ang gina­wang aksyon ni Mayor Ma­nimtim. 

Show comments