3 suspek sa holdap tiklo

BULACAN, Philippines – Tatlong lalaki na isinasangkot sa holdapan ang naaresto ng pulisya sa magkahiwalay na operasyon sa mga lungsod ng San Jose del Monte at Meycauayan sa Bulacan kahapon.

Pormal na kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Alejandro Pabales ng Brgy. Batia, Bocaue; Sherwin Nazareno, 21, ng Brgy. Minuyan at Alfredo Roque, 36, ng Brgy.Citrus, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Narekober ang mga personal na gamit at pera ng mga naging biktima ng mga suspek at maging ang baril na ginamit sa krimen.

Show comments