^

Probinsiya

Talunang mayoral bet itinumba

-

CAMP DIEGO SILANG, La Union, Philippines  – Kahit tapos na ang May 10 automated polls ay patuloy na namamayagpag ang karahasan kung saan isa na namang talunang mayoralty bet ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng motorcycle-riding gunmen noong Lunes ng hapon sa bisinidad ng Naguilian Road sa Barangay Poblacion, Burgos, La Union.

Napuruhan sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Councilor Nestor Arsitio, 48, ng Barangay New Dalacdac.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, papauwi na ang biktima mula sa session sa town hall nang lapitan at ratratin ng armadong lalaki na lulan ng motorsiklo.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idineklara na itong patay dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Naniniwala naman ang asawang si Lowely na ang pagpatay sa kanyang mister ay may bahid pulitika.

“Wala naman nakagalit ang aking asawa at malakas ang aking kutob na may kinalaman sa pulitika ang pamamaslang,” dagdag pa ni Lowely.

Nabatid na si Councilor Arsitio ay natalo kay incumbent Mayor Jose Abansi noong May 10 elections. Philippine Star News Service

BARANGAY NEW DALACDAC

BARANGAY POBLACION

BURGOS

COUNCILOR ARSITIO

COUNCILOR NESTOR ARSITIO

KAHIT

LA UNION

MAYOR JOSE ABANSI

NAGUILIAN ROAD

PHILIPPINE STAR NEWS SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with