Barangay chairman nilikida

PANGASINAN , Philippines — Napaslang ang isang barangay chairman makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Samat sa bayan ng Bugallon, Pangasinan noong Sabado ng hapon.

Limang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Chairman Joel Ugaban, 46,ng Barangay Bongalon sa bayan ng Labrador. Lumilitaw na lulan ng trak ang biktima kasama sina konsehal Alex Vito at James Anthony Ugaban nang huminto sa tapat ng lumber store upang kunin ang kaibigan nito.

Dito tiniyempuhan ng motorcycle-riding gunmen ang biktima kung saan hindi naman nasaktan ang dalawang kasamahan.

Show comments