^

Probinsiya

Pulis todas sa drug den

- Danilo Garcia -

RIZAL , Philippines — Isa na namang pulis ang iniulat na napaslang matapos na pakipagbarilan sa mga miyembro ng sindikato ng drug den sa bisinidad ng Lupang Arenda, sa bayan ng Taytay, Rizal, kamakalawa ng tanghali.

Aabot sa 15-bala ng baril ang tumama sa katawan ni PO2 Hector Sabile, 32, ng intelligence unit ng Taytay PNP kung saan idineklarang patay sa Pasig City General Hospital. Nakaligtas naman ang dalawang kasamahang pulis na sina PO2 Hector Carvi­nales at PO2 Abigail Belmonte.

Sa ulat ng Rizal Provincial Police Office, Lumilitaw na nagsasagawa ng paniniktik ang tatlong pulis sa Brgy. Sta. Ana kaugnay sa mga ulat na ginagawang drug den ng sindikato. Subalit namukhaan sila ng mga miyembro ng sindikato kaya sumiklab ang barilan hanggang sa mapuruhan ang biktima.

vuukle comment

AABOT

BELMONTE

BRGY

CARVI

HECTOR SABILE

LUPANG ARENDA

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

RIZAL PROVINCIAL POLICE OFFICE

TAYTAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with