Mag-utol na killer, timbog

KIDAPAWAN CITY , Philippines  —Matapos ang halos siyam na taong pagtatago sa batas, nasakote rin ng mga operatiba ng Matalam PNP ang magkapatid na sus­ pek sa pagpatay sa North Cotabato.

Ayon kay Insp. Benja­min Mauricio, hepe ng Matalam PNP, sina Rol­an­do at Joseph Perla ay ­di­nakip matapos na maka­tanggap ng tip ang mga aw­toridad mula sa ka­ni­lang informant.

Ang pagdakip sa mag­kapatid ay bunsod na rin ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Francisco Rabang ng Regional Trial Court sa bayan ng Kabacan.

Agad na dinakma ng mga awtoridad ang mga sus­pek habang dumadalo sa lamay ng kapatid nilang lalaki sa Barangay. Tagura­nao, sa bayan Matalam.

Nabatid na halos siyam na taon ding nagtago sa batas ang magkapatid ma­tapos masangkot sa isang kaso ng pagpatay.

Show comments