Mag-utol na killer, timbog
KIDAPAWAN CITY , Philippines —Matapos ang halos siyam na taong pagtatago sa batas, nasakote rin ng mga operatiba ng Matalam PNP ang magkapatid na sus pek sa pagpatay sa North Cotabato.
Ayon kay Insp. Benjamin Mauricio, hepe ng Matalam PNP, sina Rolando at Joseph Perla ay dinakip matapos na makatanggap ng tip ang mga awtoridad mula sa kanilang informant.
Ang pagdakip sa magkapatid ay bunsod na rin ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Francisco Rabang ng Regional Trial Court sa bayan ng Kabacan.
Agad na dinakma ng mga awtoridad ang mga suspek habang dumadalo sa lamay ng kapatid nilang lalaki sa Barangay. Taguranao, sa bayan Matalam.
Nabatid na halos siyam na taon ding nagtago sa batas ang magkapatid matapos masangkot sa isang kaso ng pagpatay.
- Latest
- Trending
















