3 magkakaibigan grabe sa pamamaril

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines — Tatlong mag­kakaibigan ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong suspek sa Sitio Kabos, Brgy. Guindawahan, Pio V. Corpuz, Masbate. Ang mga biktima na kaagad naman na isinugod sa Placer Emergency Hospital ay sina Cyril Ochea, Marjon Nogus at isang alias Barok pawang mga residente ng nasabing lugar. Ayon sa pulisya, bandang alas-7 ng gabi habang ang mga ito ay naglalakad ng pagbabarilin ng mga armadong suspek na agad ring tumakas. Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa nangyaring insidente. 

Show comments