Killer ng negosyante timbog

SAN ANTONIO, Nue­ va Ecija, Philippines — Dahil sa ma­bi­lis na paglalatag ng drag­net operation, na­aresto ng pulisya ang dalawang ka­lalakihang sangkot sa pamamaslang sa isang negosyante kamakalawa ng umaga sa Bgy. San Francisco sa ba­yang ito.

Batay sa ulat ng pulisya, naaresto sa Bgy. San Ma­riano sina Danilo dela Cruz Castro, 53 at Ale­jandro Constantino Luma­quin, 49 anyos, kapwa residente ng Bgy. Lawang Kupang sa ba­yang na­banggit na itinu­turong may kagagawan sa pamamaril kay Reynaldo Mangahas Bitangcol, 39, negosyante, ng Bgy. San Francisco.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang barilin sa harapan ng kanilang tinda­han si Bitangcol ng dala­wang salarin na “riding in tandem” sa motorsiklong kulay pula at walang plaka. ..Positibo namang  kinilala ang mga suspek ni Robert John Bitangcol, 18-anyos, nakababatang kapatid ng biktima at SK chairman sa naturang lugar.

Show comments