Pekeng dentista nadakma

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng isang 39-anyos na drayber ng bus at dating kawani ng dental laboratory makaraang maaresto ng pulisya na nagpapanggap na dentista sa Brgy. Guyong sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Pormal naman kinasuhan ni P/Chief Insp. Julius Caesar Mana ng CIDG-Bulacan ang suspek na si Orlando Mananguite. Ayon kay Dra. Herminia Ronquillo, executive director ng Phil. Dental Association, na ang suspek ay wala sa kanilang talaan bilang dentist kung saan inireklamo ng mag-utol na sina Marissa Galvez at Shiela Galvez.

Show comments