3 rebelde dedo sa encounter

ZAMBALES, Philippines — Tatlong rebelde na miyembro ng Rebo­lusyonaryong Hukbong Bayan, ang iniulat na napaslang matapos makasagupa ang mga operatiba ng pulisya ka­hapon sa liblib na bahagi ng Sitio Hobol sa Barangay San Roque, Candelaria, Zambales.

Ayon kay P/Chief Supt Arturo Cacdac, Central Luzon regional police director, bandang alas-7 ng umaga nang makasagupa ng mga tauhan ng Provincial Public Safety Management Company sa pamumuno ni P/Inspector Rolando Dellezo ang mga rebelde. Samantala, sugatan naman si Dellezo na isi­nugod sa Candelaria District Hospital.

Narekober sa encounter site ang dalawang baril, mga bala, 3 bala ng M203 gre­nade launcher at mga subersibong dokumento.

Show comments