Natigok sa pakikipagtalik
BULACAN, Philippines — Sa halip na pansamantalang kaligayahan ang madama ay kamatayan ang sumalubong sa isang retiradong kawani ng kompanya makaraang atakihin sa puso habang nakikipagtalik sa isang babae sa loob ng motel sa Barangay Lolomboy sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng hapon.
Kinilala ni P/Supt. Ronald De Jesus ang nasawi sa sarap na si Victor Briones, 54, retiradong kawani ng Meralco at nakatira sa Meralco Village, Brgy. Lias habang nakilala naman ang kasamang babae sa loob ng kuwarto na si Anna Camille Evangelista, 22, ng Brgy. Saog, Marilao, Bulacan.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, nadiskubreng patay na ang biktima nang tumawag sa himpilan ng pulisya ang roomboy ng Romella Court.
Lumilitaw sa imbestigasyon na may ininom na kapsula ang biktima bago nakipagtalik sa babae.
Dito na nakaramdam ng paninikip ng dibdib ang biktima habang nakikipag-sex hanggang sa tuluyang bumigay.
Naisugod pa sa Mount Carmel Hospital subalit idinekaraang patay ang biktima kung saan sinasabing nasobrahan sa pampagana sa sex.
- Latest
- Trending