^

Probinsiya

Dumalo sa victory party ... 15 katao todas sa bangin

- Nina Joy Cantos at Victor Martin -

MANILA, Philippines - Kamatayan ang suma­lu­bong sa labinlima-katao habang 15 iba pa ang na­sugatan makaraang ma­hu­log ang pampasa­he­rong jeepney sa may 75 me­trong lalim na bangin sa bayan ng Besao, Mt. Province noong Martes ng hapon.

Ayon kay Mountain Province PNP director P/Senior Supt. Fortunato Albas, siyam sa mga biktima ay dagliang namatay.

Kabilang sa mga nasawi ay sina Victor Balolang, Es­ther Lawig, Nel Pam­balan, Rosaline Panduyos, Ro­gelio Pagada, Samuel Songaben, Alicia Layao, Onsi Songaben at si Cora­zon Dasing.

Namatay naman sa Be­sao District Hospital sina  Sag­mayao Songaben, Roc­ky Songaben, Ranoy Fer­nan Pagosto at tatlong iba.

Ilan sa mga biktimang sugatan ay nasa kritikal na kondisyon.

Naganap ang trahedya sa matarik na highway ng Besao-Banaao provincial road, sa Sitio Bunga, Ba­rangay Catengan.

Lumilitaw na binabagtas ng pampasaherong jeep­ney (BCX- 6 41) ang ma­du­­las na kalsadang lupa nang bumigay ang gilid nito.

Nabatid na nahirapan ang driver na si Labawig na kontrolin ang manibela hanggang sa tuluyan itong mahulog sa bangin.

Bukod dito, sinasabing overloaded ang jeepney kung saan ang mga sakay nito ay dumalo sa victory party ng nagwaging bokal sa lalawigan.

vuukle comment

ALICIA LAYAO

DISTRICT HOSPITAL

FORTUNATO ALBAS

MOUNTAIN PROVINCE

MT. PROVINCE

NEL PAM

ONSI SONGABEN

RANOY FER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with