^

Probinsiya

PNP trainees gagamitin sa special election

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahil sa mga bantang paghahasik ng kaguluhan ng mga armadong grupo, ikakalat ang PNP trainees upang gamiting Board of Election Inspectors (BEIs) sa gaganaping special elections sa pitong bayan ng Lanao del Sur sa Hunyo 3.

Ito’y bunsod na rin sa pagtanggi ng mga guro na maging BEI’s sa mga polling center bunga ng ma­tinding takot sa pangha­harass ng mga armadong grupo partikular na ang Moro Islamic Liberation Front rogue elements at ang mga partisan armed group ng mga pulitiko.

Bukod sa Lanao del Sur, kabilang pa sa mga lalawi­gang isinailalim sa special elections ng Come­lec ay ang Basilan; Glan, Saranga­ni, Iloilo at Samar.

Kabilang sa mga ba­yang pagdarausan ng special election sa Lanao del Sur ay ang Sultan Doma­lon­dong, Lumba Bayabao, Masiu, Tubaran, Lumbaca Unayan, Marogong at Baying. Nabatid na sasanayin ang mga PNP trainees sa mga precinct count optical scan machine at malaking bagay rin ito lalo na sa mga lugar na kulang o walang mga gurong BEI’s.

 “Now per Comelec re­solution were also going to field PNP trainees from Re­gions 10, 11, 12 who shall be utilized as members of the special Board of Election Inspectors hence these trainees shall be made to undergo trainings on the operations of PCOs machine,” dagdag pa ni PNP spokesman P/Chief Supt. Leonardo Espina.

Idinagdag pa nito na sakali mang magkaroon ng kaguluhan ay may sapat na kasanayan ang mga PNP trainees para magbigay seguridad.

vuukle comment

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

CHIEF SUPT

LANAO

LEONARDO ESPINA

LUMBA BAYABAO

LUMBACA UNAYAN

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SHY

SULTAN DOMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with