Bisor ng PLDT nilikida

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang bisor ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) Company maka­raang bari­lin sa harap ng kanyang pamilya ng ‘di-pa nakila­lang lalaki sa Lake Sebu, South Cotabato, kama­kalawa.

Napuruhan sa likurang bahagi ng ulo si Ezar Be­nedict Totesora, 38, may asawa, at residente ng #53 Recto Street, Gene­ral Santos City.

Sa report ng pulisya na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen sa kahabaan ng Falls No. 2, sa Ba­ran­gay Lake Lahit ban­dang alas-8 ng umaga.

Lumilitaw na ipina­pas­yal ng biktima ang kani­yang pamilya sa nasabing lugar nang sundan ng nag-iisang lalaki na armado ng Carbine rifle.

Kasunod nito, umali­ngaw­ngaw ang malakas na putok ng baril kung saan duguang bumulagta ang biktima habang mabi­lis namang tumakas ang gunman matapos na ma­ti­yak na patay na ang target.

Kabilang sa mga ang­gulong sinisilip ng mga imbestigador ay ang po­sibilidad na may kinala­man ito sa trabaho ng bik­tima.

Show comments