Katiwala sa palaisdaan inutas

CAVITE, Philippines — Napaslang ang isang 28-anyos na kati­wala ng palaisdaan makaraang barilin ng kasamahan sa trabaho sa Barangay Poblacion sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa.

Napuruhan sa ulo si Joseph Mendoza ng Libis ng Nayon, Pugad Baboy, Wakas 2 habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Samson Tanyag, 26, ng Brgy. Palasan, Sta. Rosa, Laguna.

Lumilitaw na tiyempuhan ang biktima na natu­tu­log sa barung-barong at isinagawa ng suspek ang pa­mamaslang. May teorya ang pulisya na away sa tra­­baho ang pinagmulan ng krimen.

Show comments