^

Probinsiya

Lady cop na nagprotekta sa PCOS machines pinarangalan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tumanggap ng para­ngal ang isang lady cop na na­katalaga sa North Cota­bato ma­tapos itong magpa­kita ng katapangan at ka­bayanihan sa pagba­ ban­tay sa mga precinct count optical scan (PCOS) machine sa polling precinct sa ba­yan ng Pikit noong May 10 polls.

Si PO1 Gerna Garcia ay gina­waran ng Medalya ng Kadakilaan matapos na hindi umalis sa binaban­tayan ni­tong polling centers upang bigyang protek­syon ang mga PCOS machine sa Talitay Elementary School sa Barangay Talitay, Pikit, North Cotabato.

Lumilitaw na sumiklab ang sagupaan ng magka­labang apat na kandida­tong alkalde malapit sa pol­ling center na binaban­tayan ni PO1 Garcia.

Buo ang loob na prino­tek­ta­han ni Garcia ang mga PCOS machine at iba pang election paraphernalia kung saan tinulungan ang mga Board of Election Inspectors (BEI’s), Come­lec officers at mga botante na magtago sa kalapit na mu­nisipyo habang nag­kaka­putukan.

Napayapa lamang ang kaguluhan matapos na mag­res­ponde ang pinag­sanib na elemento ng Co­tabato Provincial Public Safety Management Company sa pa­mumuno ni P/Inspector Elias Dandan at ng Army’s 7th Infantry Battalion ni Lt. Col. Domingo Gob­way. Wala namang na­sak­tang mga botante at maging ang mga election personnel.

BARANGAY TALITAY

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

DOMINGO GOB

GARCIA

GERNA GARCIA

INFANTRY BATTALION

INSPECTOR ELIAS DANDAN

NORTH COTA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with