36 katao nadale ng anthrax

BANGUED, Abra, Philippines – Aabot sa 36 residente ang nadale ng virus na anthrax matapos kumain ng karne ng carabao sa liblib na bayan ng Villaviciosa, Abra.

Kinumpirma naman ng health office na anthrax ang dumale at ang mga pas­­yente ay apektado ng bacillus anthracis na palatan­daan sa mga balat ng bikti­ma kung saan sin­tomas ng virus.

Base sa ulat ng health office ang mga biktimang na­apektuhan ng anthrax ay dinala sa ospital noong Mayo 8.

Para mapigil ang pag­ka­lat ng virus sa mga ala­gang hayop, pinayuhan ng agriculture department ang mga residente pabaku­nahan ang kani-kanilang kalabao sa nabanggit na bayan kung saan kuma­kalat ang na­bang­git na virus.

Sa kasalukuyan ay pa­ tu­loy na minomonitor nina Dr. Arlene Sagayo, hepe ng Animal Services of the Livestock Division sa DA-CAR at Dr. Michael Criso­logo, hepe ng OPVET Re­gulatory Division ang kon­disyon ng livestock sa na­banggit na bayan para ma­sigurong mapigilan ang pagkalat ng virus sa na­lalapit na tag-ulan.

Napag-alaman na ma­apektuhan ang baga ng pasyente kapag na­lang­hap ang spores ng anthrax na magdudulot ng sakit na pneumonia (wool­sorter’s disease).

Maaring maapektuhan ang isang tao kapag hu­mipo ng balahibo, balat o kaya buto ng hayop na kontaminado ng virus.

Anumang araw ay nagpapalabas ng statement ang health department sa CAR sa napaulat na kaso ng anthrax sa nasabing bayan. - Phil. Star News Service

Show comments