36 katao nadale ng anthrax
BANGUED, Abra, Philippines – Aabot sa 36 residente ang nadale ng virus na anthrax matapos kumain ng karne ng carabao sa liblib na bayan ng Villaviciosa, Abra.
Kinumpirma naman ng health office na anthrax ang dumale at ang mga pasyente ay apektado ng bacillus anthracis na palatandaan sa mga balat ng biktima kung saan sintomas ng virus.
Base sa ulat ng health office ang mga biktimang naapektuhan ng anthrax ay dinala sa ospital noong Mayo 8.
Para mapigil ang pagkalat ng virus sa mga alagang hayop, pinayuhan ng agriculture department ang mga residente pabakunahan ang kani-kanilang kalabao sa nabanggit na bayan kung saan kumakalat ang nabanggit na virus.
Sa kasalukuyan ay pa tuloy na minomonitor nina Dr. Arlene Sagayo, hepe ng Animal Services of the Livestock Division sa DA-CAR at Dr. Michael Crisologo, hepe ng OPVET Regulatory Division ang kondisyon ng livestock sa nabanggit na bayan para masigurong mapigilan ang pagkalat ng virus sa nalalapit na tag-ulan.
Napag-alaman na maapektuhan ang baga ng pasyente kapag nalanghap ang spores ng anthrax na magdudulot ng sakit na pneumonia (woolsorter’s disease).
Maaring maapektuhan ang isang tao kapag humipo ng balahibo, balat o kaya buto ng hayop na kontaminado ng virus.
Anumang araw ay nagpapalabas ng statement ang health department sa CAR sa napaulat na kaso ng anthrax sa nasabing bayan. - Phil. Star News Service
- Latest
- Trending