3 tinodas ng pirata

MANILA, Philippines – Tatlo-katao ang iniulat na napaslang habang apat iba pa ang nasugatan ma­karaang ratratin ng mga armadong pirata ang si­nasakyang bang­ka sa ka­ragatan sakop ng Bo­ngao, Tawi-Tawi kamakalawa.

Kabilang sa mga napa­tay ay sina Abdua Sam­pang, Sahari Sali at Melba Sali habang ginagamot na­man sa Datu Halun Sakilan Memorial Hospital ang mga sugatang sina Sammy Sali,17; Sabri Sali,14; Mu­harral Abdua na pawang nakatira sa Barangay Ungos, at si Sabri Usman ng Brgy. Balabag. Sa ulat na na­karating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente sa karagatan ng Luuk Mangit, Barangay Pababag, da­kong alas-11 ng umaga.

Kasalukuyang pauwi na ang mga biktima lulan ng pump boat mula sa kaba­ya­nan ng Bongao nang umali­ngaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril mula sa mga lulan ng pump boats. Na­ ga­wang makalun­dag sa tubig ng ilang pasahero ng bangka subalit tina­maan at suga­tan.

Show comments