^

Probinsiya

4 babae natusta sa sunog

- Antonieta Lopez, Joy Cantos -

MANILA, Philippines – Malagim na kamata­yan ang sinapit ng apat na ba­bae matapos na ma-trap sa nasusunog na boarding house sa Barangay Ca­man­jac, Dumaguete City, Negros Oriental kahapon ng madaling-araw.

Sa report ng Duma­gue­te City PNP, kinilala ang mga nasawi na sina Joan Ortega, 31; Maricar Ara­neta, 22, kapwa tubong Zam­boanga Sibugay at ang magkapatid na sina Sarah Jane Senando, 19; at Ne­lissa Senando, 23, kapwa tubong Zamboanga del Norte.

Samantala, labinda­la­wang boarders ang naka­ligtas sa tiyak na kama­tayan

Ayon kay fire chief Senior Insp. William Tacaldo, natagpuang magkaka­ya­kap ang mga biktima sa loob ng palikuran ng boarding house na pag-aari ni Ramoncito Remata ng Pu­rok Al Capone sa Brgy. Camanjac.

Base sa police report, na­ganap ang sunog ban­dang alas-3: 36 ng mada­ling-araw kung saan bu­muhos ang malakas na ulan kaya nag-brownout.

Ayon sa mga arson investigator, lumilitaw na napabayaan ang naka­sinding kandila sa sala ng boarding house ang pinag­mulan ng apoy matapos itong matumba.

Nabatid na natutulog na ang mga boarder nang sumiklab ang apoy kung saan nabigong makalabas hanggang sa ma-trap sa loob ng boarding house dahil ang bintana nito ay gawa sa bakal at walang fire exit.

Nabigong mailigtas ng mga rescue team ang mga biktima dahil binabalot na ng apoy ang buong boarding house kung saan mga palahaw sa paghingi ng tulong ang narinig.

Naapula ang sunog makalipas ang ilang oras kung saan narekober ng mga pamatay-sunog ang halos hindi na makilalang bangkay ng apat.

Naniniwala naman si Tacaldo na ginagamit na pasugalan (suertes) ang boarding house matapos na makakuha ng mga tally sheet, limang kahon na nag­lalaman ng barya at mga sunog na perang papel.

AL CAPONE

AYON

BARANGAY CA

DUMAGUETE CITY

JOAN ORTEGA

MARICAR ARA

NEGROS ORIENTAL

RAMONCITO REMATA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with