Bomber, sundalo utas sa barilan
KIDAPAWAN CITY , Philippines — Isang suspected bomber at sundalo ang namatay nang magtangkang manlaban ang una sa mga awtoridad na nakatakdang umaresto sa kanya sa Cotabato City, kahapon ng umaga.
Ayon kay Sr. Supt. Wilfredo Dangane, hepe ng Cotabato City PNP, ang napaslang na suspek na si Edris Sabal ay kilala din sa pangalang Faizal Ampuan na sinasabing Afghan-trained bomber. Patay rin ang isang sundalo na si Sgt. Romy Aposto ng Anti-Crime Task Force ng 6th Infantry Division habang sugatan naman si PO1 Manuelito Lesmoras ng Cotabato City PNP nang magkabakbakan ang kanilang tropa sa grupo ni Sabal.
Batay sa report, pinaikutan muna ng mga sundalo at pulis ang bahay sa may crossing Simuay sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao na pinagtataguan ni Sabal at ng kanyang grupo bago nila ito tuluyang nilusob.
Pero natunugan sila ng mga suspect at pinaputukan ang mga awtoridad.
- Latest
- Trending