20 taong nagtago: Wanted, arestado
SAN CARLOS CITY, Pangasinan , Philippines — Matapos ang 20 taong pagtatago sa batas, nadakip kamakalawa ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa kanyang hideout sa barangay Caingin, Bocaue, Bulacan.
Ang isang lalaki na suspek sa pagpatay sa pitong katao. Agad na pinosasan nina Chief Inspector Julius Caesar Mana, hepe ng Bulacan CIDG at SPO2 Ricardo Bansil ng CIDG-Pangasinan ang suspek na si Vicente Rosario, 61, nang makita ito sa kanyang pinagtataguan sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay Col. Marvin Bolabola, Regional chief ng CIDG sa Region 3, si Rosario ay nahaharap sa kasong Multiple Murder at Multiple Frustrated murder na naipila laban sa kanya sa tanggapan ng Regional Trial Court branch 56 dito.
Sinabi ni Bolabola na ang suspek ay isa sa 24 na akusado sa pag ambush at pagpatay kina Wilson Resuello at anim pang katao gayundin ang pagkasugat ng limang iba nang kanilang tinambangan noong May 5, 1990 sa barangay Balaya dito.
- Latest
- Trending